Font Size
Efeso 1:13-15
Ang Salita ng Diyos
Efeso 1:13-15
Ang Salita ng Diyos
13 Sumampalataya rin kayo kay Cristo, pagkarinig ninyo ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan. Sa kaniya rin naman, pagkatapos ninyong sumampalataya, ay tinatakan kayo ng Banal na Espiritu na ipinangako. 14 Ang Banal na Espiritu ang katiyakan ng ating mana, hanggang sa pagtubos ng biniling pag-aari para sa kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian.
Pasasalamat at Pananalangin
15 Kaya nga, ako ay nagpapasalamat para sa inyo, nang marinig ko ang inyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International