Add parallel Print Page Options

Gaya ng nabanggit ko sa sulat na ito,[a] ang Dios mismo ang nagpahayag sa akin tungkol sa kanyang lihim na plano para sa inyo. Habang binabasa nʼyo ang sulat kong ito,[b] malalaman nʼyo ang pagkakaunawa ko tungkol sa lihim na plano ng Dios para sa inyo sa pamamagitan ni Cristo. Hindi inihayag ng Dios ang planong ito sa mga tao noon, pero ipinahayag na niya ngayon sa mga banal[c] na apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:3 Gaya … sulat na ito: o, Gaya ng nabanggit ko sa isa kong sulat.
  2. 3:4 Habang … sulat kong ito: o, Kung mabasa nʼyo ang sulat kong iyon.
  3. 3:5 banal: o, pinili.