Add parallel Print Page Options

Habang binabasa nʼyo ang sulat kong ito,[a] malalaman nʼyo ang pagkakaunawa ko tungkol sa lihim na plano ng Dios para sa inyo sa pamamagitan ni Cristo. Hindi inihayag ng Dios ang planong ito sa mga tao noon, pero ipinahayag na niya ngayon sa mga banal[b] na apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. At ito nga ang plano ng Dios: na sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga hindi Judio ay tatanggap ng mga pangako ng Dios kasama ng mga Judio, at magiging bahagi rin sila ng iisang katawan dahil sa pakikipag-isa nila kay Cristo Jesus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:4 Habang … sulat kong ito: o, Kung mabasa nʼyo ang sulat kong iyon.
  2. 3:5 banal: o, pinili.