Add parallel Print Page Options

Ganito(A) ang sinasabi ng kasulatan:

“Nang umakyat siya sa kalangitan,
    nagdala siya ng maraming bihag,
    at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.”

Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa.[a] 10 Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang buong sangnilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Efeso 4:9 mga kailalimang bahagi ng lupa: Sa ibang manuskrito'y mga kailaliman ng lupa .