Add parallel Print Page Options

16 Noon ay ang ikasampung buwan ng ikapitong taon ng paghahari ni Xerxes. 17 Lubos na nabighani ang hari kay Ester at inibig niya ito nang higit sa ibang babae. Kaya, kinoronahan siya nito at ginawang reyna kapalit ni Vasti. 18 Nagdaos ng isang malaking handaan ang hari upang parangalan si Ester at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang mga pinuno at mga kaibigan. Kaugnay nito, nagpahayag pa siya ng pista opisyal[a] sa buong kaharian at namahagi ng maraming regalo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ester 2:18 nagpahayag…pista opisyal: o kaya'y ipinag-utos din ng hari na bawasan ang buwis ng mga mamamayan.