Add parallel Print Page Options

18 Nagdaos ng isang malaking handaan ang hari upang parangalan si Ester at inanyayahan niya ang lahat ng kanyang mga pinuno at mga kaibigan. Kaugnay nito, nagpahayag pa siya ng pista opisyal[a] sa buong kaharian at namahagi ng maraming regalo.

Iniligtas ni Mordecai ang Hari

19 Samantala, si Mordecai naman ay naitalaga sa isang mataas na katungkulan sa pamahalaan. 20 Hanggang sa panahong iyon, hindi pa rin ipinapaalam ni Ester ang lahi o bansang pinagmulan niya, tulad ng bilin ni Mordecai (sinusunod niya ang mga utos ni Mordecai simula pa ng kanyang pagkabata).

Read full chapter

Footnotes

  1. Ester 2:18 nagpahayag…pista opisyal: o kaya'y ipinag-utos din ng hari na bawasan ang buwis ng mga mamamayan.