Add parallel Print Page Options

Tinanong siya ng ibang pinuno kung bakit hindi niya sinusunod ang utos ng hari. At sinabi niyang isa siyang Judio.[a] Araw-araw, hinihikayat siya ng mga kapwa niya pinuno na yumukod kay Haman pero ayaw pa rin niyang sumunod. Dahil dito, isinumbong nila kay Haman si Mordecai para malaman nila kung pababayaan na lang siya sa ginagawa niya, dahil sinabi niyang isa siyang Judio.

Nang makita ni Haman na hindi yumuyukod sa kanya si Mordecai para magbigay galang, nagalit siya ng labis.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:4 Maaaring ayaw yumukod ni Mordecai kay Haman dahil itinuturing ni Haman na dios ang sarili, at ang isang Judio na tapat sa pananampalataya niya ay hindi yuyukod sa dahilang ito.