Add parallel Print Page Options

(A)Na nadala mula sa Jerusalem na kasama ng mga bihag na nangadalang kasama ni Jechonias[a] na hari sa Juda, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

At pinalaki niya si Hadasa, sa makatuwid baga'y si Esther, na (B)anak na babae ng kaniyang amain: sapagka't siya'y wala kahit ama o ina man, at ang dalaga ay maganda at may mabuting anyo; at nang mamatay ang kaniyang ama't ina inari siya ni Mardocheo na parang tunay na anak.

Sa gayo'y nangyari nang mabalitaan ang utos ng hari at ang kaniyang pasiya, at (C)nang napipisan ang maraming dalaga sa Susan na bahay-hari, sa pamamahala ni Hegai, na si Esther ay dinala sa bahay ng hari, sa pamamahala ni Hegai, na tagapagingat sa mga babae.

Read full chapter

Footnotes

  1. Esther 2:6 O Joachin, 2 Hari 24:6.