Add parallel Print Page Options

13 Nang magkagayo'y sinabi ni Esther, Kung kinalulugdan ng hari (A)ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito, at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan.

14 At iniutos ng hari na gawing gayon: at ang pasiya ay nabigay mula sa Susan; at kanilang ibinitin ang sangpung anak ni Aman.

15 At ang mga Judio na nangasa Susan ay (B)nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar, at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan: nguni't (C)sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay.

Read full chapter