Exodo 38:21-24
Ang Biblia (1978)
Ang kabuoan ng nagamit na metal.
21 Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo, sa makatuwid baga'y (A)sa tabernakulo ng patotoo, gaya ng binilang nila, ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita (B)sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
22 (C)At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
23 At kasama niya si (D)Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan, na tagapagukit, at bihasang manggagawa, at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino.
24 Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario, sa makatuwid baga'y ang gintong (E)handog ay dalawangpu't siyam na talento, at pitong daan at tatlongpung siklo, (F)ayon sa siklo ng santuario.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978