Font Size
Exodo 25:1-7
Magandang Balita Biblia
Exodo 25:1-7
Magandang Balita Biblia
Mga Handog para sa Santuwaryo(A)
25 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila. 3 Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; 4 lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing; 5 balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya; 6 langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. 7 Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.