Add parallel Print Page Options

At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.

(A)At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila (B)at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at (C)malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.

At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?

Read full chapter