Font Size
Exodo 15:10-12
Ang Biblia, 2001
Exodo 15:10-12
Ang Biblia, 2001
10 Ikaw ay humihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng karagatan,
Sila'y lumubog na parang tingga sa tubig na makapangyarihan.
11 “Sinong tulad mo, O Panginoon, sa mga diyos?
Sinong gaya mo, dakila sa kabanalan,
nakakasindak sa maluluwalhating gawa, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iniunat mo ang iyong kanang kamay,
nilamon sila ng lupa.