Font Size
Exodo 18:13-15
Ang Biblia (1978)
Exodo 18:13-15
Ang Biblia (1978)
Pinaalalahanan ni Jethro si Moises na maglagay ng mga hukom na katulong niya.
13 At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon.
14 At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon?
15 At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't (A)ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978