Add parallel Print Page Options

Isinilang si Moises

May isang lalaki sa lipi ni Levi na humayo at nag-asawa ng isang anak na babae ni Levi.

Ang(A) babae ay naglihi at nanganak ng isang lalaki. Nang kanyang makita na ito ay maganda, kanyang itinago ito ng tatlong buwan.

Nang hindi na niya ito maitago pa, ikinuha niya ito ng isang basket na yari sa papiro, at pinahiran niya ng betun at alkitran. Kanyang isinilid ang bata roon at inilagay sa talahiban sa tabi ng ilog.

Read full chapter