Add parallel Print Page Options

Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; (A)kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.

Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa (B)Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa.

Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.

Read full chapter