Add parallel Print Page Options

Si Moises ay muling napasa bundok.

12 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga (A)tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila.

13 At tumindig si Moises, at si Josue na (B)kaniyang tagapangasiwa: at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios.

14 At kaniyang sinabi sa mga matanda, Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo: at, narito si Aaron at si (C)Hur ay kasama ninyo: sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila.

Read full chapter