Add parallel Print Page Options

30 At ilalagay mo sa dulang (A)ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.

Ang kandelero.

31 At gagawa ka ng isang (B)kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol:

32 At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon:

Read full chapter