Font Size
Exodo 3:13-15
Ang Biblia, 2001
Exodo 3:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Ngunit(A) sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagdating ko sa mga anak ni Israel at sasabihin ko sa kanila, ‘Sinugo ako sa inyo ng Diyos ng inyong mga ninuno,’ at sasabihin nila sa akin, ‘Ano ang kanyang pangalan?’ Anong sasabihin ko sa kanila?”
14 Sinabi(B) ng Diyos kay Moises, “AKO AY ANG AKO NGA.” At kanyang sinabi, “Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.’”
15 Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Sinugo ako sa inyo ng Panginoon,[a] ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.’ Ito ang aking pangalan magpakailanman at ito ang itatawag sa akin ng lahat ng mga lahi.
Read full chapterFootnotes
- Exodo 3:15 Ang salitang PANGINOON kapag lahat ay malalaking titik ay kumakatawan sa pangalan ng Diyos, YHWH, na sa talatang ito ay nakaugnay sa pandiwang hayah, o ako nga .