Add parallel Print Page Options

20 Ang(A) panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero, o kung hindi mo ito tutubusin ay iyong babaliin ang kanyang leeg. Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.

21 “Anim(B) na araw na gagawa ka, ngunit sa ikapitong araw ay magpapahinga ka; sa panahon ng pagbubungkal at sa pag-aani ay magpapahinga ka.

22 Iyong(C) ipapangilin ang Pista ng mga Sanlinggo, ang mga unang bunga ng pag-aani ng trigo, at ang kapistahan ng pagtitipon ng ani sa katapusan ng taon.

Read full chapter