Add parallel Print Page Options

Ang Ilawan(A)

17 Gumawa rin siya ng ilawang yari sa purong ginto. Ang patungan at tagdan nito'y yari sa pinitpit na purong ginto. Ang mga palamuti nitong bulaklak, ang buko at mga talulot ay parang iisang piraso. 18 Mayroon itong anim na sanga, tigatlo sa magkabila. 19 Bawat sanga ay may tatlong magagandang bulaklak na parang almendra, may usbong at may talulot.

Read full chapter