Add parallel Print Page Options

17 At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso: ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak.

18 At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili: at may dalawangpung siko ang haba, at ang taas sa luwang ay may limang siko, na kabagay ng mga tabing sa looban.

19 At ang mga haligi ay apat, at ang mga tungtungan ay apat, tanso; ang mga sima ay pilak, at ang mga balot ng kapitel, at ang mga pilete ay pilak.

Read full chapter