Add parallel Print Page Options

19 At sinabi ng Panginoon kay Moises sa Madian, Yumaon ka, bumalik ka sa Egipto: (A)sapagka't namatay na ang lahat ng tao, na nagmimithi ng iyong buhay.

20 At ipinagsama ni Moises ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, at kaniyang ipinagsasakay sa isang asno, at siya'y bumalik sa lupain ng Egipto: at tinangnan ni Moises ang (B)tungkod ng Dios sa kaniyang kamay.

21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pagkabalik mo sa Egipto, iyong gawin nga sa harap ni Faraon ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay: datapuwa't aking (C)papagmamatigasin ang kaniyang puso, at hindi niya tutulutang yumaon ang bayan.

Read full chapter