Font Size
Exodus 22:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Exodus 22:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 “Kung nagpatago ang isang tao ng pera o kahit anong bagay sa bahay ng kapitbahay niya at ninakaw ito. Kung mahuhuli ang nagnakaw, kailangang magbayad siya ng doble. 8 Pero kung hindi nahuli ang magnanakaw, haharap sa presensya ng Dios[a] ang pinagpataguan para malaman kung kinuha niya o hindi ang ipinatago sa kanya.
9 “Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa presensya ng Dios.[b] Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Dios ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®