Add parallel Print Page Options

34 Binalutan nila ng ginto ang mga tabla at nilagyan ng argolyang[a] ginto na siyang humahawak sa mga tabla. Binalutan din nila ng ginto ang mga biga.

35 Gumawa rin sila ng kurtina na mula sa pinong telang linen na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At maayos na nabuburdahan ng larawan ng kerubin. 36 Gumawa rin sila ng apat na haligi ng akasya na may mga kawit na ginto, at ikinabit nila roon ang kurtina. Ang apat na haligi ay nakasuksok sa apat na pundasyong pilak.

Read full chapter

Footnotes

  1. 36:34 argolya: korteng singsing. Ito rin ang nasa 37:3.