Font Size
Ezekiel 1:15-17
Ang Biblia, 2001
Ezekiel 1:15-17
Ang Biblia, 2001
Ang Apat na Gulong sa Pangitain ni Ezekiel
15 Samantalang(A) minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito ang isang gulong sa lupa sa tabi ng mga nilalang na may buhay, isa para sa bawat isa sa kanilang apat.
16 Ganito ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari: ang kanilang anyo ay parang kislap ng berilo; at ang apat ay magkakatulad, ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong.
17 Kapag sila'y lumakad, sila'y lumalakad sa alinman sa apat na dako na hindi lumilingon habang lumalakad.
Read full chapter