Add parallel Print Page Options

12 At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong, at ng mga hikaw ang iyong mga tainga, at (A)isang magandang putong ang iyong ulo.

13 Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at (B)ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari.

14 At ang iyong kabantugan ay (C)nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan; sapagka't naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo, sabi ng Panginoong Dios.

Read full chapter