Add parallel Print Page Options

34 At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid, sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid: at sa iyong pagbibigay ng upa, at walang upa na ibinibigay sa iyo, kaya't ikaw ay kaiba.

Ang kaparusahan ng Jerusalem.

35 Kaya't, Oh patutot, pakinggan mo ang salita ng Panginoon:

36 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang iyong karumihan ay nahayag, at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam, at dahil sa (A)dugo ng iyong mga anak, na iyong ibinigay sa kanila;

Read full chapter