Add parallel Print Page Options

At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.

At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo (A)kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.

At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man (B)ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.

Read full chapter