Add parallel Print Page Options

15 Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay.

16 Humayo ka sa isang dako, (A)lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha.

17 Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay, at (B)aking lulubusin ang aking kapusukan: ako ang Panginoon, ang nagsalita.

Read full chapter