Font Size
Ezekiel 22:1-3
Ang Biblia (1978)
Ezekiel 22:1-3
Ang Biblia (1978)
Inilarawan ang kasalanan ng Jerusalem.
22 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 At Ikaw, anak ng tao, (A)hahatulan mo baga, hahatulan mo baga ang bayang mabagsik? ipakilala mo nga sa kaniya ang lahat niyang kasuklamsuklam.
3 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya, (B)na ang kaniyang panahon ay darating, at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili, upang mapahamak siya!
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978