Font Size
Ezekiel 22:3-5
Ang Biblia (1978)
Ezekiel 22:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya, (A)na ang kaniyang panahon ay darating, at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili, upang mapahamak siya!
4 Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong (B)ibinubo, at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan, at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon; kaya't ginawa kitang isang (C)kapulaan sa mga bansa, at isang katuyaan sa lahat na lupain.
5 Yaong mga malapit, at yaong mga malayo, ay magsisituya sa iyo, ikaw na napahamak at puno ng kagulo.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978