Add parallel Print Page Options

30 ang nagdala nito sa iyo, sapagkat ikaw ay naging bayarang babae[a] sa mga bansa, at iyong dinumihan ang iyong sarili ng kanilang mga diyus-diyosan.

31 Ikaw ay lumakad sa landas ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kanyang saro sa iyong kamay.

32 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:

“Ikaw ay iinom sa kopa ng iyong kapatid,
    na ito'y malalim at malaki;
ikaw ay pagtatawanan at kukutyain,
    sapagkat marami itong laman.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:30 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .