Add parallel Print Page Options

20 Gayunma'y inyong sinasabi, ‘Ang daan ng Panginoon ay hindi makatarungan.’ O sambahayan ni Israel, aking hahatulan ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang mga lakad.”

Ang Pagbagsak ng Jerusalem

21 Nang(A) ikalimang araw ng ikasampung buwan ng ikalabindalawang taon ng ating pagkabihag, isang tao na nakatakas mula sa Jerusalem ang dumating sa akin, at nagsabi, “Ang lunsod ay bumagsak.”

22 Ang kamay ng Panginoon ay sumaakin nang kinagabihan bago dumating ang nakatakas. At binuksan niya ang aking bibig kinaumagahan nang panahong dumating sa akin ang nakatakas. Kaya't ang aking bibig ay nabuksan at hindi na ako pipi.

Read full chapter