Ezekiel 37:23-25
Ang Biblia (1978)
23 At hindi na naman mapapahamak pa sila (A)ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko (B)sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.
Si David ang magiging kanilang hari.
24 At ang aking lingkod na si David ay (C)magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.
25 At (D)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (E)magpakailan man: at si David na (F)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978