Add parallel Print Page Options

25 Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, ang lupaing tinirhan ng kanilang mga ninuno. Sila at ang mga anak nila ay titira roon habang panahon. At maghahari sa kanila ang haring mula sa lahi ni David na lingkod ko magpakailanman. 26 Gagawa ako ng isang kasunduan na magiging maganda ang kalagayan nila, at ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Patitirahin ko sila sa lupain nila at pararamihin ko sila. Itatayo ko ang templo ko sa kalagitnaan nila magpakailanman. 27 Maninirahan akong kasama nila. Magiging Dios nila ako, at sila ay magiging mga mamamayan ko.

Read full chapter