Add parallel Print Page Options

16 At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari (A)sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, (B)pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.

Ang galit ng Panginoon laban sa Gog.

17 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila?

18 At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay (C)sasampa sa aking mga butas ng ilong.

Read full chapter