Font Size
Ezekiel 39:23-25
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ezekiel 39:23-25
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
23 At malalaman din ng ibang bansa na ang mga mamamayan ng Israel ay binihag dahil sa mga kasalanan nila, dahil hindi sila sumunod sa akin. Kaya pinabayaan ko silang salakayin at patayin ng mga kaaway. 24 Ginawa ko lang sa kanila ang nararapat, ayon sa ginawa nilang kasamaan at kahalayan.”
25 Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Kahahabagan ko na ang mga mamamayan ng Israel, ang lahi ni Jacob. Muli ko silang pauunlarin,[a] para maparangalan ang banal kong pangalan.
Read full chapterFootnotes
- 39:25 Muli … pauunlarin: o, Ibabalik ko sila sa lupain nila mula sa pagkabihag.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®