Ezekiel 41:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko; at ang luwang ng (A)bawa't tagilirang silid apat na siko, sa palibot ng bahay sa lahat ng dako.
6 At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, (B)patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay.
7 At ang mga tagilirang silid (C)ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas; sapagka't ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay: kaya't ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas; at sa gayo'y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid, hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978