Font Size
Ezekiel 42:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ezekiel 42:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Mayroon ding mga silid sa bandang timog[a] na pader ng bakuran sa loob. Ang mga silid na ito na nasa gilid ng bakuran sa loob ay malapit din sa gusali sa kanluran. 11 May daanan din sa harap ng mga silid na ito, katulad ng mga silid sa gawing hilaga. Ang kanilang haba at luwang ay magkapareho, pati ang mga daanan at ang mga sukat nito ay magkapareho rin. Ang mga pintuan ng mga silid sa hilaga ay 12 katulad din sa mga silid sa timog. May pintuan pagdating mismo sa daanan na papasok sa gusaling iyon. May pader sa gilid ng daanang ito, kung papasok ka galing silangan.
Read full chapterFootnotes
- 42:10 timog: Ganito sa tekstong Septuagint. Sa tekstong Hebreo, silangan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®