Add parallel Print Page Options

Ang karapatan ng mga prinsipe na magbigay ng mana.

16 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak, ay magiging kaniyang mana, mauukol sa kaniyang mga anak; siyang kanilang pagaari na pinakamana.

17 Nguni't kung ibigay niya (A)ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya (B)sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak.

18 Bukod dito'y (C)hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pagaari; siya'y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pagaari, upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa't isa sa kaniyang pagaari.

Read full chapter