Font Size
Ezekiel 47:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ezekiel 47:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sinabi ng tao sa akin, “Anak ng tao, tandaan mong mabuti ang nakita mo.” At dinala niya ako sa pampang ng ilog na iyon. 7 Nang naroon na ako, marami akong nakitang kahoy sa magkabilang pampang. 8 At sinabi niya sa akin, “Ang tubig na itoʼy dumadaloy sa lupain sa silangan papunta sa Araba[a] papunta sa Dagat na Patay. Ang dagat na ito ay magiging sariwang tubig na at hindi maalat.
Read full chapterFootnotes
- 47:8 Araba: Lambak ng Jordan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®