Font Size
Ezekiel 48:30-32
Ang Biblia (1978)
Ezekiel 48:30-32
Ang Biblia (1978)
Mga pintuang-daan ng bayan.
30 At ang mga ito ang mga (A)labasan sa bayan: Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat;
31 At ang mga pintuang-daan ng (B)bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel, tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan: (C)ang pintuang-daan ng Ruben, isa; ang pintuang-daan ng Juda, isa; ang pintuang-daan ng Levi, isa.
32 At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa:
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978