Add parallel Print Page Options

11 Kaya't buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na (A)sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag.

12 (B)Ang ikatlong bahagi mo ay (C)mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; (D)at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran.

13 Ganito magaganap ang aking galit, at (E)aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila, at ako'y maaaliw: at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa (F)aking pagsisikap, pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila.

Read full chapter