Add parallel Print Page Options

14 Bukod dito'y gagawin kitang kasiraan at tampulan ng pagkutya sa gitna ng mga bansa na nasa palibot mo, sa paningin ng lahat ng dumaraan.

15 Ikaw ay magiging kasiraan at pagtatawanan, isang babala at katatakutan sa mga bansang nasa palibot mo, kapag ako'y naglapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa poot kasama ang mababagsik na pagsaway—ako, ang Panginoon, ang nagsalita—

16 kapag ako'y nagpakawala sa kanila ng mga nakakamatay na pana ng taggutom, mga pana sa ikawawasak, na aking pakakawalan upang wasakin kayo, at kapag ako'y nagpadala ng higit at higit pang taggutom sa inyo, at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay.

Read full chapter