Add parallel Print Page Options

Ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Kayong mga taga-Jerusalem, mas masama pa kayo kaysa sa mga bansang nasa palibot ninyo. Hindi ninyo sinunod ang mga utos at mga tuntunin ko, o sinunod[a] man ang mga tuntunin ng mga bansang nasa palibot ninyo. Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay laban sa inyo. Parurusahan ko kayo sa harap ng mga bansa. Sapagkat kasuklam-suklam ang mga ginagawa ninyo, gagawin ko sa inyo ang hindi ko pa nagagawa at hindi ko na ito gagawin pa pagkatapos.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:7 Hindi … sinunod: Ganito sa karamihan sa tekstong Hebreo. Pero sa ibang mga tekstong Syriac, sinunod mo. Tingnan din sa 11:12.