Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y tumindig ang mga puno ng mga sambahayan ng Juda at Benjamin, at ang mga pari at mga Levita, bawat isa na ang diwa'y kinilos ng Diyos upang pumunta at muling itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.

Lahat ng nasa palibot nila ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng mga kagamitang pilak at ginto, mga ari-arian, mga hayop, at ng mga mamahaling gamit, bukod pa sa lahat ng kusang-loob na inihandog.

Inilabas din ni Haring Ciro ang mga kagamitan sa bahay ng Panginoon na tinangay ni Nebukadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa bahay ng kanyang mga diyos.

Read full chapter