Add parallel Print Page Options

Ang mga ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito:

Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.

Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

Ang mga anak ni Ara, pitong daan at pitong pu't lima.

Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Josue at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing dalawa.

Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

Ang mga anak ni Zattu, siyam na raan at apat na pu't lima.

Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.

10 Ang mga anak ni Bani, anim na raan at apat na pu't dalawa.

11 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't tatlo.

12 Ang mga anak ni Azgad, isang libo at dalawang daan at dalawang pu't dalawa.

13 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't anim.

14 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limang pu't anim.

15 Ang mga anak ni Adin, apat na raan at limang pu't apat.

16 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.

17 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't tatlo.

18 Ang mga anak ni Jora, isang daan at labing dalawa.

19 Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu't tatlo.

20 Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu't lima.

21 Ang mga anak ni Bethlehem, isang daan at dalawang pu't tatlo.

22 Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu't anim.

23 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.

24 Ang mga anak ni Azmaveth, apat na pu't dalawa.

25 Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.

26 Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa.

27 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.

28 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu't tatlo.

29 Ang mga anak ni Nebo, limang pu't dalawa.

30 Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu't anim.

31 Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

32 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

33 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't lima.

34 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

35 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo't anim na raan at tatlong pu.

36 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaia, sa sangbahayan ng Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.

37 Ang mga anak ni Immer, isang libo at limang pu't dalawa.

38 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.

39 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labing pito.

40 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel, sa mga anak ni Hodavias, pitong pu't apat.

41 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, isang daan at dalawang pu't walo.

42 Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isang daan at tatlong pu't siyam.

43 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth.

44 Ang mga anak ni Cheros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon;

45 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Accub;

46 Ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Samlai, ang mga anak ni Hanan;

47 Ang mga anak ni Gidiel, ang mga anak ni Gaher, ang mga anak ni Reaia;

48 Ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda, ang mga anak ni Gazam;

49 Ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea, ang mga anak ni Besai;

50 Ang mga anak ni Asena, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephusim;

51 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacusa, ang mga anak ni Harhur;

52 Ang mga anak ni Bazluth, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;

53 Ang mga anak ni Bercos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;

54 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.

55 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Peruda;

56 Ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;

57 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Ami.

58 Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

59 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Cherub, Addan, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang kanilang binhi kung sila'y taga Israel:

60 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at limang pu't dalawa.

61 At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.

62 Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni't hindi nangasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.

63 At sinabi ng tagapamahala sa kanila, na sila'y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim.

64 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu,

65 Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo't tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae.

66 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu't lima;

67 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.

68 At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan:

69 Sila'y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain, na anim na pu't isang libong darikong ginto, at limang libong librang pilak, at isang daan na bihisan ng mga saserdote.

70 Gayon ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang iba sa bayan, at ang mga mangaawit, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga Nethineo, nagsitahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan.

At nang dumating ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan, ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem.

Nang magkagayo'y tumayo si Jesua na anak ni Josadec, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ang kaniyang mga kapatid, at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel, upang paghandugan ng mga handog na susunugin, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na lalake ng Dios.

At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya; sapagka't ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain: at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon, sa makatuwid baga'y ng mga handog na susunugin sa umaga't hapon.

At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan ng mga balag, gaya ng nasusulat, at naghandog ng mga handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang, ayon sa ayos, gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa't araw;

At pagkatapos ng palaging handog na susunugin, at ng mga handog sa mga bagong buwan, at ng lahat na takdang kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga, at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon.

Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon: nguni't ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay.

Sila'y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero, at sa mga anluwagi; at pagkain, at inumin, at langis, sa kanila na mga taga Sidon, at sa kanila na mga taga Tiro, upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat, hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia.

Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, nangagpasimula si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadec, at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita, at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag; at inihalal ang mga Levita, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.

Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita.

10 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis, na may mga pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel.

11 At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.

12 Nguni't marami sa mga saserdote, at mga Levita, at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, mga matanda na nangakakita ng unang bahay, ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata, ay nagsiiyak ng malakas; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan:

13 Na anopa't hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan; sapagka't ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw, at ang ingay ay narinig sa malayo.

Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel;

Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito.

Nguni't si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo'y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia,

Nang magkagayo'y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at binagabag sila sa pagtatayo.

At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila, upang iurong ang kanilang akala, sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia, hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia.

At sa paghahari ni Assuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem.