Add parallel Print Page Options

Kaya pinahina ang loob at tinakot ng mga taong dati nang nakatira sa lupaing iyon[a] ang mga tao sa Juda para hindi nila maipagpatuloy ang pagpapagawa nila ng templo. Sinuhulan nila ang mga opisyal ng gobyerno ng Persia para salungatin ang mga plano ng mga tao sa Juda. Patuloy nila itong ginagawa mula nang panahon na si Cyrus ang hari ng Persia hanggang sa panahong si Darius na ang hari ng Persia.

Ang Pagsalungat sa Pagpapatayo ng Templo nang Panahon ni Haring Artaserses

Nang maging hari si Ahasuerus, ang mga kalaban ng mga naninirahan sa Jerusalem at ng iba pang mga nakatira sa Juda ay sumulat ng mga paratang laban sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:4 mga taong dati nang nakatira sa lupaing iyon: Tingnan ang footnote sa 3:3.