Add parallel Print Page Options

21 At ako, akong si Artajerjes na hari, nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog, na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, ibigay ng buong sikap,

22 Hanggang isang daang talentong pilak, at hanggang isang daang takal ng trigo, at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis, at asin na walang tasa.

23 Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak?

Read full chapter